Loading...

Monday

Toni Fowler at Rob Moya, Namigay ng 5 Libo sa Mga Tao

Mula sa Mommy Toni Fowler YT Channel

Namigay ng pera sina Toni Fowler at Rob Moya sa mga tao na pawang nakita lang nila sa daanan. Namigay sila ng tag-limang libo, isang libo at limang daan.

Mari-rami ring nabigyan ang dalawa at talaga namang tuwang-tuwa ang mga nakatanggap. Mayroon pang nagtatalon sa tuwa matapos makatanggap ng limang libo na katumbas na ng Social Amelioration Program ng DSWD.

Ilan sa mga masuwerteng naambunan ng biyaya ay mga vendor, pulis, barangay workers, tricecyle driver atbp pa.

Hindi ito ang pagsunod sa nauuso ngayon na Mayaman Challenge ni Francis Leo Marcos. Ayon kina Toni, ginagawa nila ito para ibalik sa mga tao ang mga biyayang natatanggap nila sa kasalukuyan.

Sa ngayon, mayroon ng 2 million subscribers sa kanilang Youtube Channel. Simula nang mag-vlog si Toni kasama si Rob ay inulan na sila ng suwerte.

Sinabi ni Toni na nahirapan silang mamigay ng pera dahil konti lang ang mga taong nasa kalsada dahil na rin sa enhance community quarantine.

Kung tatanungin si Toni kung bakit may mga trabaho ang napili nilang bigyan gayung nagkakapera naman nang mga ito. Simple lang ang sagot, kasi daw 'yung mga nasa bahay marami sa kanila ang mayroong pang naitabing pera. Kumpara sa mga nasa labas na kailangan nilang magtrabaho kahit mayroong pandemic. Kasama na na r'yan ang frontliners.

Si Toni ay minsang nang naging controversial dancer at mayroon itong naging issue at nakaaway pa niya si Makagago. Pero nagkaayos na ang dalawa sa huli. Nagkaroon pa nga sila ng collaraboration sa kanilang mga Youtube Channel.

Panoorin ang video:
Loading...