Loading...

Tuesday

4 at 5 taong Gulang, Nag-Donate ng Pera kay Mayor Keith Nieto


Kabi-kabila ang pagbibigay ng mga donasyon sa panahong ito dahil sa hirap na nararasan sa krisis na likha ng Covid.

Walang sa edad ang pagtulong at pinatunayan yan nang magkapatid na sina Uan at Rj ng Villahe East, Cainta.

Marami ang bumilib sa magkapatid dahil sa mura nilang isipan ay nagawa nilang mag-donate ng pera na kanilang naipon. Siyempre, panay papuri rin ang inabot ng kanilang mga magulang dahil napapalaki nila ito ng tama at may pagmamahal sa kapwa.



May nagtext diumano kay Mayor Kieth Nieto na kung puwede ay daanan sila sa bahay para makuha ang kanilang donasyon dahil di sila makalabas. Personal naman itong pinuntahan ni Mayor.


May kalakip pang liham ang donasyon. Talagang abangers daw sila ni Mayor at sana ay makatulong ang bigay nila.

Sabi naman ng ibang netizen, kapag pinagkakatiwalaan ng mga tao ang namumuno sa kanilang bayan  ay ganado silang tumulong.
Loading...