Loading...

Wednesday

Tricycle driver, pinagtulungang bugbugin ng mga sakay ng Van


         Sa panahon ngayon, tila karaniwan na lang ang away sa kalsada ng mga driver, pasahero o mapa-pedestrian man. Konting ‘di pagkakaunawaan lang ay nauuwi agad sa sakitan.

            Isa na namang road rage ang nag-viral ngayon. Nangyari ito sa palengke ng Taytay, Rizal. Ayon sa post ng Fb page na Master Henyo, nag-double parking ang tricycle driver na siyang ikinagalit ng mga nakasakay sa Toyota Hi-Ace Van at nauwi ito sa pagtatalo.

             Bigla na lang diumanong itinaob ang tricycle ng mga naka-Van na may sakay na dalawang bata saka pinagtulungang  bugbugin ang tricycle driver. Ang misis naman ng tricycle driver na nagbi-video ay tila gusto ring sapakin ng mga naka-Van.      
     
                            

            Nagsisigaw ang dalawang bata habang nakikitang binubugbog ang kanilang ama. Nagkabukol at nagka-trauma pa ang mga ito. Habang ang kanila namang ama ay isinugod sa ospital dahil sa natamong pinsala sa katawan. Nagsusuka ito ng dugo dahil sa ginawang pambubugbog ng mga nakasakay sa Van.

            Ang plate number ng Van na sinasakyan ng mga nambugbog sa tricycle driver ay #VF3584.

Panoorin ang video:
Loading...