Loading...

Wednesday

Atong Ang at Grechen Barretto, Namataang Magkasama sa Dangwa

Image Source: Philippine Star

             Muli na namang pinag-uusapan ang negosyante at sabungero na si Charlie “Atong” Ang. Hindi dahil may malaki siyang pusta o nanalo na naman sa sabong kundi may mga nakakita na naman na magkasama sila ni Gretchen Barretto. 

            Ayon sa ulat ng Pilipino Star, may nakakita diumano na naglalakad ang dalawa sa Dangwa na kilalang pamilihan ng local at imported na mga bulaklak. Gaya ng dati ay binigyan na naman ito ng malisya ng iba ang kanilang pagiging malapit sa isa’t isa. Ilang beses na rin kasing naibalita na nakita sina Atong at Grechen na magkasama sa airport, restaurant, mga party at iba pa.

            Nauna nang itinanggi ni Grechen na mayroon silang relasyon ni Atong. Nagkakasama sila diumano dahil mayroon sila ay mag-partner sa ilang negosyo. Dati na rin siyang ipinagtanggol ng kanyang kapatid na si Claudine Barretto. Ayon kay Claudine, wala namang masama na makipagkaibigan sa lalaki ang isang babae. Sinabi niya na si Atong  ay kaibigan ng kanilang pamilya. Kung mayroon man itong nakarelasyon sa kanila, ito ay ang anak ng kanilang kapatid na si Jay-Jay. Minsan na nga rin daw siyang nai-link kay Atong ng mga gumagawa ng intriga.

Source: Philippine Star, PEP

Loading...