Loading...

Tuesday

VIRAL: Shoplifter na Nagpuslit ng 39 na Bote ng Alak, Nasabat!

                                    

    Ang mga shoplifter ay may kanya-kanyang istilokapag nagpupuslit sila ng gamit na kanilang makursunadahan. Kapag babae, and'yan 'yung nagkukunwaring buntis at doon ilalagay sa kanilang tiyan ang mga inumit partikular na ang damit. Kung maliit na item lang naman ay ibinubulsa na nila ito. Pero madalas kahit ano'ng utak ng mga shoplifter ay nabubuking pa rin sila.



         Kung patindihan lang ng diskarte sa pang-uumit ng produkto aba'y wala na yatang titindi sa lalaki na nasa viral video.  Makikita sa video na paiisa-isang pinalalagay sa mesa ng mga pulis ang mga alak na inumit ng shoplifter. Mantakin mo ba naman ay nagawa niyang maglagay ng 39 na bote ng alak sa kanyang jacket. Sa dami ng mga ito ay parang may fiesta sa kanila at ang mga ito ang kanyang ihahain sa mga bisita. Kung hindi naman ay may balak siya na magtayo ng bar. Sayang nga lang at nahuli siya eh 'di sana masaya nakapaglasing na sana siya ng todo. Kaso hindi dahil sa kulungan ang bagsak niya!

Panoorin ang video:
 
Loading...