Loading...

Saturday

VIRAL: Babaeng Sinita Dahil Walang Helmet, Nagwala!

                               
          Viral ngayon ang video ng isang babaeng nagwawala sa kalsada matapos na sitahin ng MMDA traffic enforcer dahil sa ‘di pagsusuot nito ng helmet.

          Ayon sa post ng Gadget Addict na nagbahagi ng naturang video, nauna nang nasita ang babae sa Road 3 dahil sa ‘di pagsusuot nito ng helmet. Pagkalipas lang ng labing limang minute habang binabagtas ng sinasakyan nilang motorbike ang Visayas Avenue ay ‘di pa rin suot ng babae ang helmet.

         Makikita sa video na galit na galit ang babae habang sinusugod nito ang traffic enforcer na sumita sa kanya. Nagalit ang babae dahil pinagtatawanan diumano siya ng traffic enforcer. 
          
         Inisyuhan na lang ng ticket ang babae at ang kasama nito dahil patuloy pa rin ito sa pagsasabi ng masasakit na mga salita.


        Nang tanungin kung bakit ‘di nagsuot ng helmet ang babae, sinabi nito na sa helmet niya inilagay ang biniling ulam. 
Loading...