Loading...

Tuesday

Pasahero na Nambugbog sa Grab Driver, Humingi na ng Tawad

                            

           Lumutang na si Jinno John Simon, ang itinuturong nambugbog sa Grab driver na si Armando Yabut.

            Sa ulat ng TV Patrol, naglakas-loob na lang diumano siyang lumabas kahit na maraming galit sa kanya. Sirang-sira na ang kanyang pangalan at ni hindi man lang siya makauwi ng apartment para kumuha ng damit. Marami kasing nagbabanta sa kanya.

            Ayon kay Simon, pinalabas raw ni Yabut na malinis ang kanyang intensyon sa pagsauli nito ng cellphone. Nagduda siya dahil ilang beses na niyang tinawagan ang naiwan niyang cellphone pero pinapatay ito ni Yabut. Kaya’t dito na niya naisipang tawagan ang costumer service ng Grab para makuha ang personal number ng driver.

            Nang makausap ni Simon si Yabut sa telepono, sinabi raw sa kanya na ‘di nito hinahawakan ang naiwang cellphone dahil mayroon siyang pasahero.

            Inamin ni Simon na mali ang ginawa niyang pananakit kay Yabut.  Humihingi siya ng tawag sa kanyang nagawa. Nadala lang daw siya ng kanyang emosyon.


            Pero kahit humingi na nga tawad si Simon, hindi ito tinatanggap ni Yabut. Desidido pa rin siyang kasuhan ito ng serious physical injury at madadagdagan pa ng oral defamation.

Panoorin ang video:
Loading...