Loading...

Saturday

Pagpapakamatay ng Isang Lalaki, Napigilan Dahil sa Isang Halik

                             

              Mukhang marami ang tinatamaan ngayon ng matinding depression kabilang na rito ang mga kabataan. Kahit saang parte ng mundo ay nangyayari ang ganito. Pero may ilan pa rin namang nakaliligtas dahil sa tulong ng iba.

             Maniniwala ba kayo na ang isang halik lamang ay maaaring makapagligtas ng buhay ng tao?
            Isang kabataang lalaki sa bansang China ang nailigtas dahil sa paghalik sa labi ng 19-anyos na babae na nagngangalang Liu Wenxiu.
              


            Sa ulat ng China Daily, naglalakad ang babae nang makita niya ang isang lalaki na nasa gilid ng tulay at may hawak na kutsilyo. Agad niyang itong nilapitan dahil napansin niya na nakatingin lang ang mga tao sa lalaki at tila walang gustong tumulong.

            Ayon pa sa dalaga, ilang beses na rin siyang naging suicidal noon kung kaya’t alam niya ang pakiramdam ng mga taong may matinding depression.

            Napag-alaman na kaya gustong magpatiwakal ng lalaki ay pumanaw ang ina nito at nagkaroon siya ng madrasta na ‘di maganda ang trato sa kanya. Iniwan din silang mag-ama ng madrasta tangay ang pera ng ama. Dahil dito ay napilitan silang mag-ama na kumuhaa ng part-time job para lamang maka-survive.

            Sa huli, niyakap ng dalaga at hinalikan sa labi ang lalaki. Naging alerto naman ang otoridad at biglang sinunggaban at hinila pataas ang lalaki.

Panoorin ang video:
Loading...