Loading...

Monday

Mga Sumukong Drug User at Pusher, Pina-paddle ng Barangay Captain!

                     
     Kung inaakala n’yong sa mga fraternity lang ang gumagamit ng hazing o pagpa-paddle ay nagkakamali kayo. Mayroon din kasi nito sa Brgy. Balas, Lamitan, Basilan kung saan ang barangay captain dito ay gumagamit ng paddle para madisiplina ang mga sumuko na drug user at pusher.

Sa video na ipinalabas ng 24 Oras, makikita ang barangay captain na si Ibrahim Ballaho na hinahampas ng paddle ang mga sumukong drug user at pusher. Ang ilan sa kanila ay niyakap pa si kapitan matapos na mapalo.

Ito diumano ang kanilang paraan para madisiplina at ‘di na sila bumalik pa sa paggamit o pagbibenta ng iligal na droga.

Ayon kay Kap, pinag-usapan ng barangay at ng kanilang nasasakupan bago isigawa ang ganitong klase nang pagdidisiplina. Maliban sa paddling, pinaglilinis din nila ang mga ito sa komunidad.

May isang ina ng isa sa mga na-paddle ang nagpapasalamat kay Kap dahil tumigil na sa paggamit ng droga ang kanyang anak buhat nang ito ay mahampas. Mismong mga na-paddle ni Kap ay nagpapasalamat sa kanya dahil sa tulong nito para sila ay makapagbagong-buhay.

Sa kabilang banda, balak ng CHR na imbistigahan ang ginagawang pagdidisiplina ni Kap. Ayon kay Atty. Jack de Guia, spokeperson ng CHR, “Generally speaking, hindi natin nanaisin na gamitan ng any form of physical maltreatment ang kahit sinumang tao na nasa kostudiya ng ahente ng estado”.

Nirirespeto naman ni Kap ang desisyon ng CHR. Pero hinamon niya ang mga ito na pumunta sa kanilang lugar para makita ang epekto ng  ginagawa nilang pagdisiplina sa mga drug user at pusher.

Panoorin ang video:
Loading...