Loading...

Sunday

Magkasintahang OFW sa Jeddah, inaresto dahil sa marriage proposal nila sa harap ng publiko

                               

       Karaniwan na ang kapag nagpu-propose ng kasal ang isang lalaki sa kanyang kasintahang babae ay puno ito ng gimik. Iba-iba ang istilo na makikita natin para lang masurpresa ang minamahal. Nand’yan na kasabwatin pa ang mga kaibigan. At para ipakita na mahal na mahal nga nila ang babae ay nagpu-propose pa sila sa publiko. Agaw-atensyon nga naman ito.



Pero hindi lahat ng proposal ay humahantong sa maganda. Hindi dahil sa ‘di nag-yes ang babae sa tanong ng lalaki na ‘Will You Marry Me’. Mayroong kasing proposal na nangyari ng OFW sa Jedah Saudi  na bagama’t nakamit niya ang pagpayag na pakasal ng kanyang kasintahan ay inaaresto naman sila. Ito ay dahil sa nag-proposed ang lalaki sa publiko na may kasama pang pagsayaw gayung nasa konserbatibo silang bansa.

Agad na nag-viral ang video ng magkasintahan hanggang sa makuha nito ang atensyon ni Prince Khalid Al-Faisal, Emik ng Makkah at agad nitong pinag-utos ang pag-aresto sa dalawa.

Panoorin ang video:

Loading...