Loading...

Sunday

Grab Driver na Nagbalik ng Cellphone ng Pasahero Imbes na Pasalamatan, Binugbog pa!

                                         
            Hindi lahat nang pagmamagandang-loob ay nakabubuti. Minsan kasi imbes na pasalamatan ka ng taong pinagmagandahang loob mo ay masasamain pa ito. Ganito ang nangyari sa isang Grab driver na matapos isauli ang naiwan na cellphone ng kanyang pasahero ay binugbog pa ito.

            Sa post ng Grab driver na si Kiel Nigel Yabut na nag-viral sa Facebook, kinuwento niya na nag-pick up siya ng pasahero na nagngangalang Jinno Jhon P.  Simon bandang 12:21 AM  noong February 9. Nagpahatid ito sa kanya sa may Kamuning.

            Sinabi ni Yabut na naki-charge sa kanya si Simon, pero naiwan nito ang cellphone. Nakalayo na siya nang biglang nag-ring ang kanyang telepono. Tinawagan siya ni Simon at pinasusoli ang cellphone sa kanya. Pinababalik nito ang Grab driver sa Kamuning.

            Sinabi ng driver na sa umaga na lang niya isasauoli ang cellphone. Pero nagpumilit ang pasahero na emergency lang at kailangan na nito ang cellphone.


            Nangako diumano ang pasahero na sasagutin nito ang pang-gaas at pakakainin din ang Grab driver. Pagdating sa Kamuning biglang inatake ng pasahero ang driver dahil pinagbintangan ito na ninakaw ang kanyang cellphone. Dinala pa raw ang driver sa barangay hall at pilit pinaamin sa krimen na ‘di naman niya ginawa.

            Desido diumano ang Grab driver na dumulog sa korte para sampahan ng kaso ang pasaherong nambugbog sa kanya. 

            
             Sa kabilang banda, wala pang pahayag si Simon tungkol sa akusasyon ni Yabut. 

Panoorin ang video:

Loading...