Loading...

Tuesday

Babaeng umatake sa taga-MMDA, gutom lang daw kaya nag-beast mode

                       

            Kamakailan lang ay nag-viral ang isang babae kasama ang kanyang boyfriend dahil nag-beast mode ito matapos na sitahin ng mga taga-MMDA dahil sa wala itong suot na helmet. Pinaglagyan kasi nito ng ulam na sinigang at mechado ang helmet kaya’t ‘di niya isinuot.


            Sa ulat ng TV Patrol, tumangging magpaunlak ng panayam ang babaeng nasa viral video. Pero nagpaliwanag siya kung bakit siya nag-beast mode. Halos isang araw na raw siyang walang kain kaya’t naging mainit ang kanyang ulo. Humingi pa siya ng pasensya dahil sa kanyang inasal.


            Pero ‘di pa rin ligtas ang babae sa asunto na maaari niyang kaharapin dahil pinag-aaralan na ng MMDA legal department kung ano ang maaaring ikaso sa kanya pati na sa kanyang boyfriend. 

Panoorin ang video:
Loading...