Loading...

Wednesday

VIRAL: Misis, nanawagan sa publiko na mahanap ang mister na nanloko at tumangay ng 2 million pesos

               
          Viral ngayon ang post ng isang ginang na nagngangalang Joyce Bitoy Robles tungkol sa kanyang asawa na manloloko at tumangay ng pera na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso.

            Makikita sa video na umiiyak ang ginang dahil ayon sa kanya ay naipit siya sa mga bayarin at sa bangko. Tinawag pa niya ang asawa na si Wilfredo Robles Jr. na walang konsensya dahil sa ginawa nito.

            Humihingi ng tulong sa publiko ang ginang na  mahanap ang kanyang asawa at ibinigay pa nito ang plate number ng motor na gamit nito (plate # BB 32029). Kailangang-kailangan diumanong maibalik ang perang kinuha nito at panagutan ang panlolokong ginawa sa kanya.

            Napag-alaman ni Joyce na nasa Iloilo ang asaw dahil sa Passi, Iloilo raw ito nag-withdraw ng atm.

            Kung sino man ang makakakita sa asawa ni Joyce ay ipagbigay alam lang sa numerong 09215464100.


            Maraming netizen ang nanggalaiti sa ginawa ng asawa ni Joyce sa kanya. Kaya’t hiling nila na sana ay makita na nga ang asawa nito para panagutin. May mga nagtatanong naman kung paano na-withdraw ang pera nilang mag-asawa gayung dapat ay may consent ito ng magka-joint account?

            May  mga nagpapalagay din na pautay-utay lang ang pag-withdraw ng asawa ni Joyce hanggang sa umabot ito ng 2 million.

            Sa mga nagtatanong may sagot dito si Joyce, “Para po sa mga nagta2nong kng pano po natangay ng asawa ko ang 2 million pesos. Eto po ang pangya2ri nagloan po kmi sa bangko ng construction loan nagbenta po ako ng bahay at lupa pra maitayo ang plan nmin apartment kc hndi po mareleasan sa bangko kng walang nkatayo na 30% sa plano. 1st & 2nd release kasama po ako pumipirma sa bangko pero nung last release hndi ko po alam na nagrelease na cla at wala akong pirma. Pinaasikaso ko sa asawa ko ang sabi nya skin sa December 26 mare2lease ang pera un ung araw na umalis sya. Dun ko nalaman na December 20 pa pla narelease ang pera sa kanya at ang ginawa nya nag request xa s bank na eclose n raw nmin ung joint account kya ipatransfer nya sa bagong account “HAND WRITTEN PO UNG REQUEST AT XA LANG NKAPIRMA” so nag open xa ng new account sa ibang branch sa pangalan lng nya at dun naipasok ng bank ang pera na dapat hndi po un nangyari kc spouses po kmi sa loan dpat un 2 kming mag received nung pera at pa2sok po dpat un sa aming joint account kc dun din po nka auto debit ang byad nmin sa monthly amortisation. Sa madaling salita hndi po ako nanotify na nagrelease at pumayag ang bangko na xa lng ang nag received at pinasok sa sarili nyang account. Nag widraw po sya nung December 21,22 at 23. Hndi ko alam kong san nya tinago ang pera na un. Magaling po xa tlaga planado ang lahat. Gnun po ang buong pangya2ri may mali din po ang bangko. Kng nasabihan lng po sana ako ng bangko hndi po mangya2ri ang lahat ito samantalang alam nman nla ang no ko at di po dpat cla nagrelease ng wala ako.

HNDI PA XA MAKONTENTO NAKUHA PA NYA UNG IBANG RENTA DI2 SA APARTMENT NA BARYA2 AT NAG WIDRAW PA XA SA ILOILO NG 25k
GANUN PO KAGRABE SOBRANG SAMA NG ASAWA KONG ETO WALA SYANG KASING HAYUP!

DAPAT NGA PO SA KANYA HNDI NA MABUHAY SA MUNDONG ETO KC MARAMI PA SYANG MABIBIKTIMA.

Hanggang ngaun wala prin po akong balita sa kanya pero possible po anjan lng yan sa iloilo, cebu, davao or sa mindanao.

Sana po meron mkakita sa kanya jan".

Panoorin ang video:
Loading...