Loading...

Wednesday

VIRAL: Magtataho na Nabundol ng Kotse, Modus nga lang ba?

                                  

          Sa panahon ngayon ay napakarami ng modus kaya’t dapat na maging alisto para ‘di mabiktima. Isa sa mga modus na ginagawa ng may masasamang loob ay ang kunwaring pagpapabangga sa kotse pagkatapos ay piperahan ang kawawang biktima. Usung-uso ito sa China na maraming video na nagkalat sa Facebook kung saan ini-expose ang ganito nilang modus.

            Dito naman sa atin ay may pailan-ilan ding kaso. Usap-usapan ngayon ang isang video na ipinalabas ng ABS-CBN mula sa dashcam ng nagngangalang Ronald Allan Dizon. Makikita sa video ang isang magtataho na tumatawid sa kalsada at maya-maya lang ay nahagip ng sasakyan at nagpagulung-gulong sa kalsada. Pagkatapos ay bigla ring tumayo, lumakad nang paika-ika at umupo sa gilid ng kalsada. Bumaba pa ang driver ng kotse na nakabunggo sa magtataho para tingnan ang kalagayan ng lalaki.






            Iba-iba ang naging reaksyon ng mga netizen na nakapanood sa video. Sa tingin kasi nila ay parang sinadya ng lalaki na magpabunggo. Imbes na umiwas ay ito pa ang lumapit. Hindi naman daw ang lalaki ang nabunggo ng kotse kundi ang hawak nitong lagayan ng taho. Nagtataka rin sila kung bakit parang walang laman ang lalagyan ng taho nang tumapon ito sa kalsada. May laman sana na tumapon kahit konti kahit sabihing naubos ito. Napansin din ng mga netizen na pabaliktad ang pag-ikot ng lalaki na dapat daw sana ay counter clockwise.

           Marami ang ‘di kumbisido sa acting ng lalaki. Kaya’t payo ng ilang netizen ay galingan nito ang acting sa susunod. Pero wala namang naiulat na nanghingi ng pera ang lalaki o nagpadala ito sa hospital. Sa mga may kotse, maglagay ng dashcam para makita ang tunay na pangyayari kung sakali mang mangyari rin sa inyo ang ganito.

Panoorin ang video:
Loading...