Loading...

Tuesday

VIRAL: Estudyante, nakaipon nang mahigit 59 thousand pesos sa loob ng isang taon

                              

            Kung mayroon mang challenge na maganda na nauuso sa social media, ito ay ang Ipon Challenge. Tinuturuan kasi tayo nitong magtipid nang sa gayun sa bandang huli ay mayroon tayong aanihin. May kasabihan nga tayong mga Pinoy na kapag may isinusuksok, may madudukot.

            Viral ngayon sa social media ang ginawang pag-iipon ng isang estudyante na si Trisha Ysabell Mistica na nag-ipon sa loob ng 52 weeks o isang taon. Maraming netizen ang napabilib at na-inspired na gawin din ang ginawa niyang pag-iipon.

            Ayon kay Trisha ay ay wala siyang itinakdang halaga kung magkano ang dapat niyang  itabi. Hindi kagaya ng iba na kailangan ay magtabi ng pabente-bente o di kaya’y pa-singku-singkuwenta. Gusto niya kasi na masurpresa na lang siya.




              Bilang estudyante ay nahirapang mag-ipon si Trisha dahil na rin sa dami ng bayarin sa ekskuwelahan. Kaya naman todong pagtitipid ang ginawa niya. Kalahati lang diumano ng kanyang allowance sa loob ng isang linggo ang kanyang ginagastos.

            Sa loob ng isang taong pagtitipid, nakaipon siya siya ng 59,552.20 thousand pesos.


            Ikaw, kaibigan kaya mo rin bang mag-ipon ng malaking halaga gaya nang ginawa ni Trisha?

Panoorin ang video:
Loading...