Loading...

Saturday

VIRAL: Beki, naghipo diumano ng lalaki sa loob ng MRT?

                                   

          Madalas tayong makabalita na may mga nangmamanyak sa pampublikong sasakyan. Mapa-jeep, FX, bus o ‘di-kaya’y sa MRT o LRT. Kadalasan ay mga babae ang nagiging biktima ng mga mahilig manilip, manghipo o mandunggol ng dibdib. Mayroong nananahimik na lang at mayroon din namang mga pumapalag at ipinapahiya ang nangmamanyak sa kanila.

            Pero hindi lang naman babae ang maaaring mabiktima nang pangmamanyak. Puwede rin ang lalaki.

            Isang lalaking pasahero ang nag-viral sa social media matapos itong magalit dahil hinipuan siya sa ari ng isang beki. Ang eksenang ito ay nakuhanan ng video ng Facebook user na si McAdam Datucali Pundaodaya.

            Maririnig sa video na mataas ang boses ng lalaki at nagmumura. Ayon sa kanya, hindi muna agad siya nagduda baka kasi ‘di naman sinasadya. Pero nakatlong tanggal diumano ang lalaki sa kamay ng beki, pero umuulit pa rin ito kaya’t doon na siya pumalag.

            Makikita naman sa video na ngiti-ngiti lang ang beki na sinasabing nanghipo sa lalaking pasahero.

            Sa huli, makikita sa video na pinagtulakan palabas ang galit na lalaki dahil nag-iiskandalo raw ito.

            Iba-iba naman ang naging reaksyon ng mga netizen hinggil sa sinasabing panghihipo ng beki sa lalaki. Mayroong nagsasabi na tama ang ginawa ng lalaki dahil ipinaglaban lang nito ang kanyang karapatan.  Mayroon din namang mga ‘di siniseryoso ang pagwawala ng lalaki at mayroon ding naniniwala na modus lang ang ganito para mamera.

            Mayroon namang sagot ang beki na nakilala na si Ghed Ghed sa paratang sa kanya ng lalaki. Nagulat daw siya dahil biglang nagsisigaw ang lalaki na hinipuan daw ito at siya ang itinuturo.


Basahin ang kuwento ni Ghed Ghed:


Loading...