Loading...

Thursday

Suspek sa panggagahasa at pananaksak, ginawang background sa selfie ang dalawang pulis

                      
     Karamihan ng mga suspek o mga nahuling kriminal ay kuntudo-yuko at takip pa ng mukha dahil sa hiya. Pero ibahin natin ang suspek sa panggagahasa at panananaksak na si Raden Argomido dahil nagawa pang mag-selfie sa loob ng presinto.

     Sa ulat ng 24 Oras, makikita sa larawan na nag-selfie si Argomido gamit ang FB account na may pangalang Raden Nabaro. Nakangiti ito habang nasa background ang dalawang pulis. Ipinaskil ito niya ito noong bisperas ng Pasko.

   Hindi matukoy ng mga otoridad kung saang presinto nag-selfie ang suspek.

    Si Argomido ay may kinakaharap na kasong rape sa Los BaƱos,, Laguna. Nito lang bagong taon ay siya naman ang itinuturong nanaksak sa ama nang babae kanyang diumanong ginagasa.

   Ayon sa ulat, kasalukuyan pang pinaghahanap ng otoridad si Argomido para panagutin sa krimeng ginawa nito.

Panoorin ang video:
Loading...