Loading...

Tuesday

Mark Anthony Fernandez, Nakabuntis ng Dalawang Pulis na Babae?

                         
       
            Matapos na lumaya ni Mark Anthony Fernandez mula sa pagkakakulong dahil sa nahulihan siya ng marijuana ay may kumakalat na alingasngas na nakabuntis ito ng dalawang pulis na babae.

            Nakakuwentuhan ng showbiz reporter na si Mario Dumaual ang actress na si Claudine Baretto na dumalaw kay Mark Anthony sa kulungan. Nabanggit niya kay Mario na natutugunan naman daw ang lahat ng pangangailangan ng actor habang nakapiit ito.

          Minsan pa raw ay nagbiro si Mark na nagka-girlfriend ito sa kulungan. Imposible naman daw itong mangyari ayon kay Claudine dahil wala siyang nakikitang babae na nakakulong doon. Ang sabi ni Mark ay pulis, pero ‘di niya ito ganung pinagtuunan ng pansin dahil baka biro nga lang ito ng actor.

            Ayon sa ilang inmate at police officers ay na-linked diumano si Mark sa dalawang batang policewomen at nabuntis pa raw niya ito. Hindi na nila pinangalanan ang dalawang babae para maprotektahan ang identity ng mga ito.

            Ang unang babae diumano ay 24-taong gulang na PO1, taga-Zambales na limang buwan nang buntis. Habang ang isa naman ay 27-taong gulang na PO2, taga-Nueva Ecija at apat na buwan nang buntis.

            Ipinaliwanag ng isang police officer na hindi naman pirmeng nakakulong sa selda si Mark. Nakapaglalalakad-lakad din ito sa loob ng compound ng kulungan basta’t huwag lang lalabas sa loob ng compound. Ang compound diumano ay malawak at may ilang abandonado ng kuwarto. Posibleng doon nakipag-loving-loving si Mark.

            Hindi na rin naman nagtataka ang police officer dahil magandang lalaki ang aktor kaya’t ‘di imposibleng ma-inlove ang sinumang babae rito. Kaya naman diumanong suportahan ni Mark ang magiging anak nito sa dalawa dahil mayaman ang kanyang pamilya.


          Matatandaang nang mga unang araw pa lang ni Mark sa loob ng kulungan ay may dalawang pulis na babae ang nakipag-picture taking sa kanya at nag-viral ito sa social media. Pero walang tinututukoy sa balita kung ang mga ito nga ang naakan ng aktor.

         Sa ngayon ay wala pang sagot si Mark hinggil sa pagkakabuntis niya sa dalawang policewomen.


Loading...