Loading...

Thursday

Magkasintahan na Tirador ng TV sa Hotel, Arestado!

                    
            Arestado ang magkasintahan dahil sa pagtangay ng TV sa isang hotel sa Cebu. Ang magkasintahan ay kinilala na sina Manuel Espinoso, Jr.,  43-taong gulang at isang call center agent at ang girlfriend nito na si Lady France Orquiza, 33-taong gulang at isang public school teacher.

            Sa  report ng 24 Oras, sinabi ng Talisay Police na itinibre sa kanila ng management ng hotel ang dalawa na nagpuslit ng flat screen TVsa kuwarto kung saan sila nag-check in. Modus na diumano ng dalawa na mag-check in sa hotel pagkatapos ay nanakawan ang katapat na kuwarto.

            Ayon sa management ng hotel, apat na beses na silang nanakawan ng flat screen TV. Mabuti na lamang at nakita ng kanilang staff ang pagpuslit ng TV ng dalawa. Nagnakaw na rin daw ang mga ito ng TV sa iba nilang branches kung kaya’t markado na ang sasakyan ng mga suspek. Inabangan na sila ng mga staff at nakita diumano ang ipinuslit na TV sa sasakyan ng mga ito.

Mariin namang itinanggi ng lalaking suspek ang paratang na magnanakaw sila ng TV.  Pareho naman daw silang may trabaho. Mayroon pa silang gatepass katunayan na cleared na sila bago umalis. Wala rin diumanong lamang TV ang kanilang sasakyan gaya nang sinasabi ng management ng hotel.


            Nahaharap ngayon sa kasong thief ang mga suspek. 

Panoorin ang video:
Loading...