Loading...

Tuesday

500 Units ng E-Jeepney, Aarangkada na sa Kalsada Ngayong Enero

                              


             Nakatakda nang ipakalat ang 500 units ng electric jeepneys ngayong buwan ng taon bilang pamalit sa mga lumang jeepneys. Hindi lamang ito ipatutupad sa Metro Manila kundi sa buong bansa. Ito ang inihayag ni DOTr Undersecretary for Roads Thomas Orbos.

            Hindi naman diumano basta mawawala agad ang mga lumang jeepney dahil mayroon pa silang three-year transition period. Hahayaan na lang muna nila ang mga tao kung saan nila gustong sumakay, kung sa lumang jeep o sa e-jeepney.

            Sinabi ni Orbos na ang e-jeep ay environment-friendly, komportable at ligtas sa mananakay. Mayroon itong free-wifi, CTTV cameras, automated fare collection, may aircon ang ilang units, may speed limiters at pinatatakbo ng solar o ‘di-kaya’y electric powered engine.

            Pinag-aaralan pa diumano ng ahensya kung magkano ang ipapataw na pamasahe sa e-jeepney. Pero ang sigurado, makapagdadagdag ito sa kita ng mga driver dahil mas maluwag ito kumpara sa lumang jeepney kung kaya’t mas marami itong maisasakay na pasahero.

            Ayon pa kay Orbos, isa pa sa kanilang pinag-aaralan ay pagkakaroon ng espesyal na ruta ng e-jeepney para makaiwas sa traffic congestion.

Image Source: Rappler
         Pero ‘di masaya ang major transport groups sa modernization ng jeepney. Bukod kasi sa mawawala na sa kalsada ang mga lumang jeepney, ang malalaking kumpanya lamang diumano ang higit na makikinabang sa proyektong ito ng pamahalaan. Hindi ang mga operator at driver na hindi kayang palitan ng e-jeepney ang luma nilang sasakyan.

Source: Philippine Star


Loading...