Loading...

Wednesday

17-anyos na babae, ginahasa, pinatay at isinako ng nobyo dahil sa selos

                                   

         Natagpuan ang bangkayng isang 17-anyos na babae na wala nang saplot pang-ibaba at nakasako sa isang bakanteng lote sa Barangay Puntod, Cagayan de Oro City. Ang biktima ay kinilalang si Jerra May Lumacang.

        Suspek sa nasabing krimen ang nobyo nito na si Ric Jan Sumalpong Polimar, 21-taong gulang.

            Ayon sa report ng 24 Oras, huling nakita si Jerry May kasama si Ric Jan na nakipag-inuman kasama ang mga kaibigan noong bisperas ng bagong taon.

            Hinihinalang selos ang motibo nang pagpapatay matapos malaman ni Ric Jan na naging karelasyon ni Jerra May ang dalawa nilang kainuman. Lumabas pa diumano ang dalawa para bumili ng alak. Pero hinila ng lalaki ang babae sa bakanteng lote at doon na isinagawa ang pagpatay at panggagahasa.

         Naaagnas na ang bangkay ni Jerra May nang ito ay matagpuan. Natagpuan malapit sa pinangyarihan ng krimen ang ginamit suot na pang-ibaba nito at martilyo na posibleng ginamit sa krimen.

       Nahaharap ngayon sa kasong rape with homicide ang kasintahan si Ric Jan. 

Panoorin ang video:
Loading...