Loading...

Saturday

VIRAL: Year End Party sa Marikina, Umulan ng Bote ng Mineral Water at Softdrink!

                       

     Dahil magpapalit na ng taon, ang iba't ibang bayan ngayon ay nagsasagawa ng year end party o pa-concert. Sa Marikina, kahapon ng gabi (Dec. 30) ay nagsagawa sila ng libreng pa-concert si Mayor Marcelino "Marcy" Teodoro. Dinagsa ito hindi lamang ng mga taga-Marikina kundi pati na rin ng mga taga ibang lugar.

      Isang Facebook user na nagngangalang Daryll Jem Josef Reyes ang nag-post ng kanyang pagkadismasya sa ilang mga dumalo ng concert dahil naghagis ang mga ito ng bote ng mineral water at mayroon pa ngang bote ng softdrink at iba pa. Ibnahagi niya ito sa Facebook group na Marikina News.

     Hiling ni Daryll na sana ay 'di mga taga-Marikina ang nagsawa nito. Nakakahiya diumano kay Mayor Marcy at sa mga bisitang performer ang inasal ng mga ito. Hindi nila ikina-cool ang ganito. 'Di kaila sa atin na ang mga taga-Marikina ay kilala sa pagiging disiplinado at masunurin sa batas.



    Marami ang nag-react sa ipinost ni Darryl dahil masakit nga naman ang matamaan ng bote ng mineral lalo't may laman pang tubig lalo na ng bote ng softdrink. Mayroon ding nag-suggest na huwag ng mga rock band ang kunin sa susunod dahil nagiging wild lang ang mga tao. Mas mabuti raw kung classical na lang, biro pa nang nag-suggest.

Panoorin ang video:
Loading...