Loading...

Monday

Viral: Panibagong Away sa Kalsada, Na-Huli Cam!

            

              Ang init ng ulo ay huwag dadalhin sa kalsada dahil kapag may nakagitgitan na sasakyan ay siguradong mapapaaway ka. ‘Di pa tapos ang usapin kay Cherish Sharmaine Interior na nanampal ng matandang taxi driver, heto na naman ay may panibang road rage na nakuhanan ng video.

            Sa video post ng Facebook user na si Maricar Acosta, makikita na sinisigaw-sigawan, kinalampag at itinutulak-tulak ng isang long hair na lalaki ang pintuan ng FX. Tumagal pa ng ilang minute ay bumaba na rin ang driver ng  FX at nagpambuno na sila. May kasamang isang lalaki ang FX driver at tumulong na rin sa pagsuntok sa lalaking nagwawala. Makikita rin sa video na may dumating na traffic enforcer at pilit na inawat ang mga nag-aaway na kalalakihan.

            Base sa post ni Acosta, nakuhanan niya ang nasabing video sa may NCBA corner Fairlane Drive, Fairview, Quezon City, bandang alas tres ng hapon.

Panoorin ang video:
Loading...