Loading...

Thursday

Pasahero, Nagpapasalamat sa Uber Driver Dahil sa Pagligtas sa Kanyang Buhay

            

           Isang Facebook user na nagngangalang Rhomer Teijei Rupisan ang nag-post sa Facebook nang kanyang pasasalamat sa Uber driver na kanyang nasakyan. Ito ay dahil sa pagliligtas sa kanyang buhay.

            Sa post ni Rhomer, ikinuwento niya kung paano siya iniligtas ng Uber driver. Nag-book daw siya noong November 20 dahil masama ang kanyang pakiramdam. Iniisip niya na dahil ito sa highblood pressure.

            Habang nasa sasakyan, napansin ng Uber driver na masama ang pakiramdam ni Rhomer kaya’t tinanong siya nito. Sinabi niyang magpapatingin siya sa duktor. Agad naman diumanong nag-alala sa kanya ang driver. Nagtanong pa ito kung gusto niyang lakasan ang aircon ng sasakyan. Pinatay pa nga raw ng driver ang app nito para ‘di siya ma-book ng iba at maging sanhi pa ito nang pagkaantala sa pagpunta sa ospital.

            Ayon pa kay Rhomer, bago pa man sila makarating sa ospital naramdaman niyang namamanhid na ang kanyang katawan. Binuksan ng driver ang bintana at nagpa-assist pa sa traffic enforcers para mapadali ang pagpunta nila sa ospital. Nang makarating sa ospital, nahirapang maglakad si Rhomer. Ang huli niyang naaalala bago siya mawalan ng malay ay bumaba pa ng kotse ang driver para humingi ng tulong sa ER.

            Nang magising diumano si Rhomer ay sinusuri ng mga nurse at duktor ang kanyang kalagayan. Sinabi ng duktor na hindi highblood pressure ang kanyang naramdaman kundi posible na ito ay atake sa puso. Kinabukasan ng umaga ay nakalabas siya ng ospital matapos ang ilang treatment at laboratory test na ginawa sa kanya.


            Sabi ni Rhomer, “For my Uber driver Kuya  “Nelson”, I don’t know how to show you my gratitude for saving my life. You kept your cool during this emergency to keep us both safe and to make me relaxed. No words can explain how grateful I am. God bless you and your family forever!”
Loading...