Loading...

Saturday

Mga Paring Nakasuot ng Bandila ng Pilipinas, Binabatikos sa Social Media!

                                  
             Ang bandila ay sumisimbolo sa pagkakakilanlan at kasarinlan ng isang bansa. Kaya’t dapat itong galangin sa anumang oras at pagkakataon.

            Viral ngayon ang larawan ng mga pari dahil sa pagsusot ng watawat ng Pilipinas. Ang mga nasabing larawan ay inupload ng kilalang personalidad na si Even Demata. Sa post ni Even, mababasang galit na galit siya sa ginawang ito ng mga pari. Kulang na lang daw ay lubid puwede nang isabit sa flagpole.

            Umani rin ng batikos ang mga paring nagsuot ng watawat,  dapat daw ay magmisa na lang ang mga ito. Wala naman diumanong nakasulat sa Bibliya na dapat magsuot ng flag. ‘Yung mga artist na gumagawa nito, kulang na lang ay arestuhin. Pero kapag pari ang gumawa nito, ibig sabihin daw ba ay ayos na?




             Pero ayon sa isang Facebook user na si Kknen Cab Bits, hindi naman binabastos ang watawat ng Pilipinas ng pari. Ayon sa kanya, ang mga nasa larawan ay ang tinatawag na Aglipayan Church  o tinatawag din na Philippines Independent Catholic Church. Kapag may nakita raw tayo na simbahan na flag, ito raw ay ang Pilipinista na Simbahan. 


Loading...