Loading...

Tuesday

Magnanakaw, Nakiligo pa sa Bahay na Kanyang Nilooban

                                            

               Isang Facebook user na nagngangalang Leanylyn Cuaresma Yadao ng Marikina ang nagbahagi ng kanyang karanasan hinggil sa magnanakaw na nanloob sa kanilang bahay.

                Ayon kay Leanylyn, nakita ng kanyang kapatid ang  isang lalaki na palabas sa kanialng bahay bandang 4am. Bitbit ng lalaki ang isang cellphone at isang charger. Nang makasalabong diumano ang lalaki ng kanyang kapatid ay bumalik ito sa loob ng bahay.

                Nang magising na sina Leanylyn ay pumasok pa raw ng banyo ang magnanakaw at nakiligo. Habang hinihintay nila ang pulis na kanilang tinawagan ay nasa loob pa rin ng banyo ang lalaki. Paglabas nito ay sakto namang dumating na ang mga pulis. Wala pa raw itong suot na t-shirt at puro tattoo ang likod nito na puro pangalan ang nakalagay. Napag-alaaman nila na kalalaya lang pala ng lalaki sa kulungan.

                Pinag-iingat ni Leanylyn ang ating mga kakabayan lalo na’t panahon ngayon ng kapaskuhan kung saan ay maraming masamang loob ang naglipana. Siguraduhin diumano na i-lock ang lahat nang puwedeng daanan para ‘di mapasok ng magnanakaw.


                Na-hand over na diumano ang lalaki sa Marikina Police Station at kung sino man ang kamag-anak o nakakakilala sa lalaki ay ipagbigay lang diumano ito sa pamilya nito. 

Basahiin ang post ni Leanylyn:


Loading...