Loading...

Thursday

Lalaking Naka-kotse, Nanapak ng Pedestrian

                                   

             Tila walang katapusan ang bangayan sa kalsada. Katatapos pa lang ng iskandalo na ginawa ni Cherish Sharmaine Interior na nanampal ng matandang taxi driver. Agad itong nasundan ng suntukan ng isang may-ari ng kotse at ng FX driver. Pagkatapos ay may nanampal din ng driver na nagpakilalang asawa ng taga-NBI.

            Ang bago naman ngayon, isang nagngangalang Eddie Co ang nanuntok ng tumatawid lang sa kalsada. Makikita sa CTTV na tumatawid ang isang lalaki na siya namang pagdating ng kotse ni Mr. Co. Hinintuan naman niya ito, pero bigla siyang bumaba at sinapak ang lalaki sa pag-aakalang minura siya nito.

            Ang lalaki na tumawid sa kalsada at nasapak ay kinilalang si Ruben Lopez, Jr.


Ruben Lopez Jr.
Ang cellphone na binasag ni Mr. Co
            Ayon kay Dara Celine Remo (pamangkin ni Ruben) na siyang nag-post ng CTTV video sa Facebook, ‘di niya maintindihan kung bakit kailangang manapak ni Mr. Co. Sa lakas nga raw ng sapak nito sa kanyang tito ay namaga ang mukha nito. Pati ang cellphone nito ay kinuha pa saka binasag. Malayo naman daw ang kanyang tito sa sasakyan ni Mr. Co.

            Napag-alaman nila, dati na palang na-involved sa ganito si Mr. Co sa kanilang village. Kaya’t ‘di niya maintindihan kung ano ang mayroon sa taong ito. Kung mayroon man daw itong personal na problema, sana ay huwag na siyang mandamay pa ng ibang tao.

            May panawagan si Dara sa mga motorista, aniya kung alam n’yo na kaiksi lang ang inyong pasensya ay huwag na kayong magmaneho.  

Fb post ni Dara Celine Remo

Panoorin ang video: 
Loading...