Loading...

Thursday

Lalaki, nag-viral dahil sa pagpupumilit na pasakayin sa kotse ang 18-anyos na babae

                                     

            Kung isa kang babae at may estrangherong lalaki na nasa kotse at biglang huminto sa tapat mo pagkatapos ay aalukin kang sumakay, papayag ka ba? Nagmamagandang loob lang ba ang nag-aalok ng libreng sakay o iba ang motibo nito? Sa ibang bansa, uso ang hitchhiking kahit ‘di mo kakilala. Pero dito sa Pilipinas, hindi ka basta makikisakay sa sasakyan nang ‘di mo naman kakilala.

            Isang lalaki ang nag-viral sa social media matapos na alukin nito ng sakay ang isang 18-anyos na babae. Tinagurian siyang ‘kilabot ng senior high’ ng nag-post na Facebook user na si CA Santos.  Pilit raw kasing pinasasakay ng lalaki ang kanyang kapatid sa kotse nito kahit na tinanggihan na ito. Hindi naman daw pokpok ang kanyang kapatid na nakita lang sa kalsada ay isasama na lang nito basta. Nagmamakaawa pa raw ang lalaki na ihatid ng lalaki ang kanyang kapatid.

            Binalaan ni Santos ang mga magulang na may anak na babae na mag-ingat sa lalaking ganito ang istilo para di mabiktima.


           Base naman sa mga komento ng netizen, manyakis daw ang lalaki at huwag sasakay kapag huminto sa tapat ng sinumang babae. May nagpapalagay din nab aka gold digger prank lang ito kagaya nang ginagawa sa ibang bansa kung saan sinusubukan kung sinusubukan kung kakagat ang isang babae sa ipinapakitang karangyaan ng lalaking nakakotse.  


Panoorin ang video:

Loading...