Loading...

Wednesday

Estudyanteng Nabakunahan ng Dengvaxia, Patay Dahil Severe Dengue

           
              Isang grade 5 student sa Siiman Elementary School, Mariviles, Bataan ang pinaniniwalaang namatay dahil dahil sa dengue noong Oktubre ng nakaraang taon. Nangyari ito ilang buwan ang nakalipas nang magpabakuna ito ng Dengvaxia na sinasabing kauna-kaunahang gamot sa mundo laban sa dengue.

            Ang estudyante ay nagngangalang Mae De Guzman na ‘di pa naman nagkakaroon ng dengue bago mabakunahan. Pero sumakit diumano nang matindi ang ulo nito at nagkaroon ng lagnat noong Oktubre 11. Dinala ang bata sa Bataan General Hospital noong Oktubre 14, pero binawaan ng buhay noong Oktubre 15.

            Ang death certificate ni Mae ay nagsasaad na ang sanhi ng kanyang kamatayan ay sanhi ng disseminated intravascular and severe dengue.

            Naniniwala ang mga magulang ng bata na sina Marivic at Nelson na kaya nagkaganun ang kanilang anak ay dahil sa pagturok ng bakuna laban sa dengue. Umaasa silang makatatatanggap sila ng katarungan sa sinapit ng kanilang anak. Lalo na’t inamin ng Sanofari Pasteur na ang kanilang gamot ay posibleng makapagpalala sa mga taong ‘di pa naman tinatamaan ng dengue.

Source: GMA News

Panoorin ang video:
Loading...