Loading...

Tuesday

Dalawang Dalagita, Ginahasa Umano ng Dalawang Lalaki na Ka-FB Chat Nila

                           

            Sa panahon ngayon ay usung-uso ang pakikipag-chat sa Facebook. Marami itong magandang dulot dahil nagsisilbi itong kominukasyon. Pero minsan may kapahamakan din itong dulot kapag ‘di nag-ingat. ‘Di akalain ng dalawang magkaklaseng dalagita na ang simpleng pakikipag-chat at pakikipagkita nila ay mauuwi sa kapahamakan.

            Ayon sa ulat ng GMA 7, biyernes ng gabi nang pumunta sa bahay ng isa nilang ka-chat ang mga dalagita na edad 15 at 16. Naabutan nila roon ang dalawang lalaki na sina Dave at Norman, kapwa dise otso na naghahalo ng alak.

            Sinabi ni SPO4 Gerardo Ellamil na magdi-jamming lang ang magkaka-chat. Maaaring diumanong rape ang kasong kaharapin ng dalawang lalaki.

             Itinanggi naman nina Dave at Norman ang sinasabing alegasyon. Pero desidido nang magsampa ng kaso ang kampo ng mga biktima.


            Paalala ng pulisya na mag-ingat sa pakikipag-chat lalo’t ‘di naman kilala kung sino ang ka-chat.

Panoorin ang video:
Loading...