Loading...

Thursday

Bata sa Cebu na Nabakunahan ng Dengvaxia, Naospital Dahil sa Dengue

                           
             Isang batang sampung-taong gulang  sa Cebu na nabakunahan  ng Dengvaxia ang ngayon ay tinututukan matapos itong tamaan ng dengue.

            Ang bata ay kasalukuyang naka-confined sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City.

            Ayon sa ina ng bata na si Jenny Ababo, nakaramdam ng lagnat ang kanyang anak noong nakaraang Llunes. Sinundan ito nang pagdurugo ng ilong kaya’t nagpasya na silang dalhin ang bata sa opsital.

            Mayroon ding balita na ilan sa mga bata na kanilang kapitbahay sa Lawaan 3, Talisay City na nabakunahan din ng Dengvaxia ay nagkaroon din ng sakit.

            Kasalukuyan diumanong minu-monitor ng mga staff ng regional E[pideomiology and Surveillance Unit of the Department of Health in Central Visayas ang kalagayan ng bata para tingnang mabuti ang kalusugan nito.

            Bago pa man ang balita na ito ay isiniwalat ng VACC na mayroon ng mga bata ang namatay dahil sa dengue.  Ang mga nasabing bata diumano ay pawang nabakunahan ng sinasabing kauna-unahang gamot sa dengue na Dengvaxia.

            Nauna nang sinabi ng kumpanya na may gawa ng Dengvaxia na ang gamot ay maaaring makapagpalala sa mga taong ‘di pa naman tinatamaan ng dengue. Dahil dito agad na ipinatigil ng pamahalaan ang pagbabakuna nito sa mga pampublikong paaralan. Subali’t marami ang nababahala lalo na’t mahigit 700 libo nang mga bata ang naturukan nang nasabing gamot.


Source: www.news.abs-cbn.com
Loading...