Loading...

Tuesday

Babaeng Nanakit ng Taxi Driver, Maaaring Mawalan ng Driver's License

                            

                 Maaaring matanggalan ng lisensya ang babaeng nakunan ng video na nanakit ng taxi driver. Ito ay ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

                "We will let the LTO (Land Transportation Office) decide if [it's a] suspension or cancellation," ito ang sinabi ni LTFRB board member Aileen Lizada sa text message na ipinadala niya sa mga reporter.

                Sinabi rin ni Lizada na ang nasaktang taxi driver na si Virgilio Doctor ay nagsampa na nang panibagong reklamo sa LTO laban kay Chrerish Sharmaine Interior. Kasama diumano sa naturang reklamo ang pag-alis ng lisensya kay Interior. 

                Idinagdag pa ni Lizada na ang ipinakitang asal ni Interior ay ‘di nararapat para makagamit pa ng sasakyan sa kalsada. Wala na siyang karapatan na humawak pa ng driver’s license. 

                Ang pagkansela diumano sa lisensya ni Interior ay para maiwasang gawin pa niya ang kanyang ginawa sa iba pang motorist dahil na rin sa kawalan ng kontrol ng emosyon.

                Hanggang ngayon ay marami pa ring netizen ang galit na galit sa ginawa ni Interior sa taxi driver kahit pa humingi na ito ng sorry sa publiko. Ayon sa mga netizen, dapat ay maturuan ito ng leksyon at kung maaari ay makulong pa nga.


Source: Rappler
Loading...