Loading...

Wednesday

Asawa ng taga-NBI, Nag-Beast Mode sa Parking Lot ng Isang Mall


            Isa na namang babae ang pinagpipiyestahan sa social media dahil pagbi-beast mode o pagwawala nito. Nangyari ang insidente, hindi sa gitna ng kalsada kagaya sa viral video ni Cherish Sharmaine Interior na nanampal ng taxi driver kundi sa parking lot.

           Base sa ipinaskil ng Facebook page na Matalino Man ang Matsing na halaw mula sa amo ng driver na nagbahagi sa social media, feeling diumano ng babae na naaagawan siya ng parking o naunahan kaya;t nagwala ito sa galit. Pinagmumura nito at sinubihan pa ng bakla ang kanyang kaalitan na driver.

            Dahil sa nainsulto ang  sinabihan, lalo diumanong ‘di ibinigay sa kanya ang puwesto sa parking na gusto niyang pagparadahan ng sasakyan. Sinabihan pa nito ang driver na ipahuhuli niya ito pagkatapos ay may biglang tinawagan. Aniya sa kausap sa  cellphone, “Dalhin mo dito ang tsapa, may pahuhuli ako sa iyo.”



            Nang dumating ang tinawagan, napagkilala ito na taga-NBI. Ayon sa nag-post, kaya pala ganun na lang kalakas ang loob na bastusin ang kanyang driver. Pinagsu-sorry pa silang dalawa ng kanyang driver.

            Kahit may namagitan ng sekyu at pulis ay nagwala pa rin ang babae dahil nakita nito na kinukunan siya ng amo ng driver. Sinampal niya bigla ang driver at nang makita nitong kinukunan siya ay binato naman niya ng cellphone ang amo.

            Nagpunta pa sa barangay ang magkabiang panig at sinabi pa ng babae na ‘di pa sila nito mapapatawad. Gusto pa raw nito na dalawang sampal ang gagawin. Pinilit na lang ng amo na mag-sorry ang driver nang makauwi  na sila.


Ang post ng amo ng driver

Panoorin ang video:
Loading...