Loading...

Friday

Xander Ford, Nawawala Matapos Magpunta ng Cavite


Ipinahayag ng Star Image Artist, talent agency na humahawak kay Xander Ford na nawawala ito matapos na magpunta ng Cavite noong Nov. 23. Kinailangan diumano nilang kanselahin ang mga naka-schedule na shows  dahil ‘di pa ito nagpapakita.

Sa Facebook page ng taleng agency, ipinaskil nila na nakatanggap sila ng impormasyon na itinatago si Xander ng babae na nagngangalang Emz sa may Paliparan, Cavite. Ang post diumano ng agency ay nagsisilbing huling babala sa taong gustong itago si Xander sa pamilya at maging sa management nito. Maaari diumanong maharap sa asunto ang nagtatago sa kanilang talent .

Larawan mula sa Star Image Artist Management Fb page

Kung babasahin naman ang mga comment ng mga netizen, posible diumanong gumigimik na naman si Xander para mapag-usapan. Pero mayroon ding mga nagsasabi na ‘di ito gimik dahil mukha nga itong nawawala dahil kinailangan pa magkansela ng mga show. Sana raw ay ilabas na si Xander kung sakali ngang itinatago ito.

Si Xander Ford, dating Marlou Arizala ay naging miyembro ng Hasht5. Sumikat ito dahil sa mga pangba-bash ng mga netizen. Kinalaunan ay naging solo artist ito. Pero mas lalo siyang sumikat matapos na sumailim sa cosmetic surgery at naging si Xander Ford nga. ‘Yun nga lang ay ‘di pa rin tumigil ang mga basher sa pag-atake sa kanya.


Nagkaroon pa sila ng isyu ni Ogie Diaz dahil sa pagbibigay nito ng unsolicited advice sa kanya. Pagkatapos ay marami ring nagalit sa kanya dahil sa pangbu-bully kay Kathryn Bernardo dahil sa pagiging sakang nito. Kahit pa na sinabi niya ito noong siya ay si Marlou pa. 

Source: Rappler

Loading...