Loading...

Saturday

Xander Ford, Iniimbitahan nga ba ni Ellen DeGeneres sa kanyang TV show?


Muli na namang pinag-uusapan si Xander Ford, dating Marlou Arizala sa social media matapos kumalat ang balita na iniimbitahan siya ni Ellen DeGeneres para makapanayam sa kanyang programa sa telebisyon.

Unang lumabas ang usap-usapan sa Youtube Channel na Hot Issue kung saan ay na-upload ang pahayag na nais ni Ellen na mainterbyu si Xander sa kanyang sikat na programa.

Hindi naman makapaniwala ang ilang netizens lalo na ang kanyang mga basher sa balita na ang isang tulad ni Xander Ford ay pag-aaksayahan ng panahon ni Ellen. Pero suportado naman siya ng kaya mga tagahanga at excited na silang makita si Xander na iniiterbyu ni Ellen. Proud diumano sila dahil kung sakali ay isa na namang Pinoy ang maitatampok sa programa ng nasabing TV host.

           Bago pa man pumutok ang tungkol sa pag-imbita diumano ni Ellen kay Xander ay may mga Pinoy nang naitampok sa kanyang programa gaya nila nina Charice Pempengco (Jake Zyruz na ngayon) Arnel Pineda, Balang at iba pa. Lahat sila ay pawang mga sumikat dahil sa social media. Kaya’t ‘di rin imposible na maimbitahan ni Ellen si Xander.

         Gumawa ng ingay si Xander  Ford matapos siyang magparetoke kung saan ay ibang-iba ang kanyang naging hitsura kumpara noong siya ay Marlou pa. Simula nang maging Xander siya ay lalong naging mainit siya sa mata ng mga basher dahil sa pagkakaroon diumano nito ng attitude problem. Pinabulaan naman ni Xander ang nasabing paratang sa pagsasabing ‘di naman siya mayabang. Nagtatrabaho lang daw siya para sa kanyang pamilya upang maingat ang antas ng kanilang pamumuhay. Nagpapasalamat pa nga siya sa kanyang mga bashers dahil sa kanila ay kumikita siya ng pera. 


Sa ngayon, ‘di pa kumpirmado ang nasabing balita dahil wala pang ina-announce si Ellen na nais nga niyang makapanayam ang Xander. 
Loading...