Loading...

Friday

Xander Ford: Di Totoong Nawawala, Nagpapahinga Lang?

Screen shot mula sa video na ipinaskil ng FB page na Senyora

Wala pang isang araw matapos na i-post ng Star Image Artist Management ang pagkawala ng kanilang talent na si Xander Ford ay lumitaw agad ito sa pamamagitan ng video. Ito ay naka-post sa Fb page na Senyora na parody ng character ni Senyora Santibanez sa Mexican novella na Marimar.

Sa video, sinabi ni Xander na gusto lang muna niyang magpahinga sa show business dahil masyado siyang napapagod. Aniya, “Actually guys, nagpapahinga lang ako ngayon. Siguro pagod na pagod po ako. Actually, kung makikita n’yo po sa itsura ko, wala pa po akong kain.”

Sinabi pa ni Xander na alam ng kanyang mga kapatid kung saan siya naroroon. ‘Di nga lang niya ito sinasabi sa kanila para ‘di siya mapuntahan. Di rin daw siya makapag-post sa kanyang social media accounts dahil wala siyang dalang cellphone.

Sinabi pa ni Xander na may bago siyang plano, pero ‘di muna niya ito ibubulgar. Ia-update na lang daw niya ang kanyang fans.


Gaya nang inaasahan, sa halip na matuwa ay nainis na naman ang kanyang mga basher. Malinaw na gimik lang ito ni Xander at ng kanyang talent agency na humahawak sa kanya para mag-ingay na naman ang pangalan. May mga nagsabi pa nga na sana ay nakita man nila si Xander Ford ay iligaw na nilang ito sa Cavite para ‘di na makabalik.

Panoorin ang video:
Loading...