Loading...

Friday

Pamilya ni Isabel Granada nanawagan sa fans na huwag kuhanan at ipakalat ang litrato nito habang nakaburol

                                           
    Nanawagan sa fans ang pamilya ng yumaong actress na si Isabel Granda na huwag kuhanan at ipakalat ang larawan nito habang nakaburol.

     Nangyari ang panawagan, matapos na may magpakalat ng litrato ng actress sa Facebook na nakahiga sa ataul. Umani pa nga ito ng mga reaksyon na para lang diumanong natutulog ang dalaga.
Sa text na ipinaabot sa GMA 7 ng kaibigan ni Isabel na si Maila Gumila na ang pagpapakalat ng ganung klaseng larawan ay kawalan ng konsiderasyon sa pamilya ng yumaong actress.

     Ayon pa kay Maila, labis na nagdadalamhati ang ina ni Isabel na si Mommy Gwapa sa biglaan nitong pagkawala. Ni hindi nga nito magawang tingnan ang labi ng anak nito habang nasa loob ng kabaong. Ano na lang kaya ang mararamdaman nito kapag nakita ang kumakalat na litrato sa Facebook?
Ang public viewing sa labi ni Isabel ay nagsimula noong Biyernes sa Santuario San Jose Parish sa East Greenhills, Mandaluyong City. Ang kanyang cremation naman ay ay nakatakdang gawin sa araw ng lingo.

   Pumanaw ang actress dahil sa sakit aneurysm noong November 4. Bago ito ay dinala muna sa ospital at na-coma ito sa loob ng ilang araw hanggang sa tuluyan nang bawian ng buhay.
Source: GMA 7 News

Loading...