Loading...

Saturday

Maria Isabel Lopez, binabatikos ng netizens dahil sa pag-alis ng harang sa Asean lane para makadaan ang sasakyan

Larawan mula sa FB account ni Maria Isabel Lopez

Mainit na pinag-uusapan sa social media ang actress at dating beauty queen na si Maria Isabel Lopez. Ito ay matapos niyang ipost sa Facebook ang ginawa niyang pag-alis sa divider cones sa EDSA. Hinarangan ito ng gobyerno upang maayos na makadaan ang sasakyan ng mga deligado para sa Asean Summit.

Sa post, sinabi pa ni Maria Isabel na napagkamalan pa siya ng mga taga-MMDA na kasali sa mga deligado ng Asean Summit kung kaya’t malaya siyang nakadaan. Nagsipagsinuran pa nga raw sa kanya ang ilang motorist. Nag-post din siya ng video kung saan ay nagsalita siya ng “Asian lane, here I come.Be like Maria” na wari bang hinihimok din niya ang ibang mga motorista na gayahin ang ginawa niyang pagsaway.

Hindi ikinatuwa ng mga netizens ang ginawa ni Maria Isabel. Ayon sa kanila, ‘di na lang sana niya ginawa, ipinagmalaki pa niya. Habang ng ibang motorista ay nagtitiyagang maipit sa daloy ng trapiko. Hayun siya’t inalis ang harang  sa kalsada para lang makadaan. Simpleng instruction lang ‘di niya pa raw kayang sundin? Ayon pa sa mga netizen, nagkaroon ng divider cones para bigyang seguridad ang mga delegado ng Asean Summit.

Panoorin ang video: 
Loading...