Loading...

Monday

Mahal, May Bagong Boyfriend?


            Pinag-uusapan ng mga netizen ngayon ang dating actress na si Mahal. Ito ay matapos na kumalat online ang kanyang mga larawan na may kasamang lalaki at animo’y sweet na sweet sila. Pinaniniwalaang ang lalaking kasama niya ang kanyang bagong boyfriend.

Dahil dito, maraming netizens ang nagbigay ng kani-kanilang reaksyon. Sa mga wala pa raw love life, huwag mawawalan ng pag-asa dahil magkakaroon din kayo. Kung si Mahal nga pumapag-ibig, kayo pa kaya?

Pero sabi naman ng iba, maaaring gimik lang ito para maging maingay muli ang pangalan ni Mahal lalo na’t wala ito na ito sa limelight. Well, kung anuman ang real score sa pagitan ni Mahal at ng lalaki ay sila lang ang may alam noon. Pero wala namang imposible sa pag-ibig, ‘di ba?



Si Mahal ay ilang beses na ring naibalita dahil sa mga naging relasyon nito. Ang pinakasikat niyang naging kasintahan ay ang namayapa nang singer na si Jimboy. Pero kinalaunan ay naghiwalay din ang dalawa. Ginawan pa nga ito ng kanta ni Mahal na nagpapasaring sa pagiging ‘di tunay na lalaki nito.

Panoorin ang video:
Loading...