Pinoy Blog Watch

An online magazine about lifestyle, entertainment, travel, human interest, business and technology.

Powered by Blogger.

Wednesday

Angry Ranger ng AFP kontra Maute Group, real version ng Angry Birds?

No comments :

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang bakbakan sa Marawi ng mga tropa ng pamahalaan laban sa Maute Group. Marami-rami na ring nalagas na buhay sa magkabilang panig. Pero sa kabila ng panganib na kinahaharap ng ating mga sundalo ay nagagawa pa rin nilang magpakuwela o magpasaya sa mga tao.

Maraming netizens ang natuwa sa ipinaskila na pictures na FB page na Scout Ranger Books kung saan ipinapakita nito ang isang sundalo na gumagamit ng higanteng tirador. Ayon sa caption, ito raw ang totoong version ng Angry Birds. Sa kanila naman ay Angry Ranger.

Pero ‘di bato ang iniitsa ng higanteng tirador kundi granada. Ginagamit nila ito kapag may papasuking building amg isang Scout Ranger unit. Pinapaulanan muna ni Angry Ranger ng granada ang building para ma-detonate ang mga IED na nandun. Alam kasi ng mga sundalo na itinanim o ikinalat ng mga terorista ang mga IED kung saan-saan.


Ayon pa rin sa Fb page na na-post ng naturang mga larawan ay marami nang nailigtas na buhay si Angry Ranger. Nakakatuwa ‘di ba?


No comments :

Post a Comment