Pinoy Blog Watch

An online magazine about lifestyle, entertainment, travel, human interest, business and technology.

Powered by Blogger.

Monday

Viral: Marriage Proposal sa Mcdo

No comments :

Sari-sari ang gimik ng mga lalaki kapag sila ay nagpu-propose sa kanilang mga minamahal. Mayroong simple lang at mayroon din namang pa-bongga. Depende na rin siguro sa estado ng buhay ng isang lalaki.

Karaniwang ang commercial ng Mcdo ay punung-puno ng emosyon o nakaka-touch ‘ika nga. Pero ibang klase rin ang ginawa ng isang lalaki para sa kanyang nobya dahil sa loob ng Mcdo siya nag-propose sa kanyang girlfriend.

Ayon kay Frances Dannielle Rodas, nagugutom siya at sandwhich na lang ang kakainin niya para ‘di siya mahuli sa kanyang trabaho. Ipinagpilitan diumano ng kanyang boyfriend na si Enujnivel Solis na sa Mcdo na lang sila kumain.

Ayun nga, umorder si Frances ng 1 pc chicken kasi ito ang paborito niya. Bigla diumanong nagsalita ang crew kung may gusto pa itong orderin dahil mayroon silang bagong product. Laking gulat niya nang ikutin ang menu board dahil may mensahe ito na “Will you marry me?” Bagama’t nahihiya dahil maraming tao at may nagbi-video pa ay nagpapasalamat siya sa kanyang boyfriend. At siyempre, oo ang naging sagot niya.


Marami namang natuwa at kinilig na mga netizen sa kuwento ng proposal ng dalawa. Nasabi tuloy ng iba na may forever sa Mcdo!

No comments :

Post a Comment