Loading...

Monday

Trillanes: Termino ni Duterte 'di Niya Matatapos


Muli na namang binanatan ng senador na si Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi niya na hindi nito matatapos ang natitira pa nitong limang taon na termino. Ito ay dahil may nakasampa pang kaso sa ICC laban sa pangulo.

Sa panayam ng GMA News, sinabi ni Trillanes “Palagay ko, hindi niya matatapos ang kanyang termino dahil nakaumang ang ICC case. Mabigat ito dahil hindi nila ito madadaan sa propaganda o sa troll army. Matindi ang tama n’yan”.

Idinagdag pa ng senador na sa susunod na taon ay maaari uling magkaroon ng impeachment laban sa pangulo. Nakadepende diumano ito sa ihip ng hangin. ‘Yung mga kongresista na sumisipsip ngayon ay ‘yun din ang sasaksak sa likod ni Duterte.


Kung si Trillanes ang tatanungin hinggil sa performance ng pangulo sinabi niya na sa kangkungan tayo pupulutij. Wala raw kasi siyang nakikitang magandang direksyon sa pamumuno ni Duterte. 

Source: GMA News
Loading...