Pinoy Blog Watch

An online magazine about lifestyle, entertainment, travel, human interest, business and technology.

Powered by Blogger.

Tuesday

Horror Story ng Isang Kostumer Laban sa Toyota, Usap-usapan sa Social Media

No comments :

Viral ngayon ang ipinaskil na rant post ng Facebook user na si Ek Ek laban sa Toyota Motor Philippines dahil imbes na maayos ang ipinagawa niyang sasakyan ay dumami pa ang sira nito.

Ayon kay Ek Ek, may minimal damage lang ang kanyang sasakyan nang dalhin niya ito sa branch ng Toyota sa may Fairview, pero laking gulat niya nang maibalik ito sa kanya dahil ang dami nang diperensya.

Ipinangako rin diumano ng Toyota na apat na araw lang nila gagawin ang kanyang sasakyan, pero umabot nang 24 days bago niya ito makuha.

Natuklasan ni Ek Ek, sa tulong na rin ng dashboard cam na kaya pala nagkaroon ng maraming depekto ang kanyang sasakyan ay dahil pinagpraktisan ito ng estudyante ng staff ng taga-Toyota.
Nabanggit din niya na malaki ang naging bawas ng gas ng kanyang sasakyan. ‘Yun pala ay  may nagpapalamig dito habang naka-on pa ang radio.

Nangako naman daw diumano ang Toyota na aayusin nila ang problema ni Ek Ek. Papalitan daw ng kumpanya ng bago ang kanyang sasakyan. Pero pinapakalma lang pala siya.


Sa halip na tuparin ang pangako, pinadalhan ng e-mail ng computation ng loan para magkaroon siya ng bagong sasakyan kapalit ng sasakyan na pinagpraktisan ng empleyado ng kumpanya.

Nilinaw ni Ek Ek na ‘di siya nagpapasikat lang dahil kung gusto niyang sumikat ay totoong pangalan sana ang kanyang ginamit sa Facebook.

Tunghayan ang post ni Ek Ek:

No comments :

Post a Comment