Pinoy Blog Watch

An online magazine about lifestyle, entertainment, travel, human interest, business and technology.

Powered by Blogger.

Monday

Bangkay na Nakasilid sa Maleta, Natagpuan sa Binangonan, Rizal

1 comment :

          Isang bangkay ng lalaki na nakasilid sa maleta ang natagpuan sa Binangonan, Rizal nitong ika-9 ng Hulyo ng madaling araw. Nakagapos ang mga kamay at paa nito, may busal sa bibig at may tali pa sa leeg . 

Nakita ng mga residente ang bangkay sa may Macopa St., Brgy. Batingan bandang 3:30 ng madaling araw.

Ayon sa mga otoridad, ang biktima ay kinilala ng kanyang mga kaanak. Ito ay nagnangalang Joren Fermin Obdusantos, 23-taong gulang at residente ng Brgy. Pipinditan.

Ang bangkay ng biktima ay walang tama ng bala o anumang sugat. Hinala ng mga otoridad na pinatay ito sa pamamagitan ng pagsakal.

Ayon sa mga otoridad, sa ngayon ay wala pa silang suspek. Inaalam pa nila ang dahilan kung motibo sa likod nang pamamaslang.


Samantala, sinabi naman ng isang nagtatrabaho sa barangay na dati nang may record nang pagnanakaw si Joren at ilang ulit na itong naglabas-masok sa kulungan. 

1 comment :

  1. Does your blog have a contact page? I'm having a tough time locating it but, I'd like to shoot you an e-mail. I've got some suggestions for your blog you might be interested in hearing. Either way, great blog and I look forward to seeing it expand over time. yahoo email login

    ReplyDelete