Loading...

Monday

Away sa Pagitan ng Bus Driver at ng Traffic Enforcers, Viral sa Social Media

Lagi na lang laman ng balita ang awayan ng mga motorista at ng mga MMDA traffic endorsers. May mga pagkakataon na sadyang pasaway ang ilang motorist, imbes na ibigay ang kanilang lisensya kapag tinitikitan ay tumatakas pa. Mayroon pa ngang nanagasa ng traffic enforcer. Minsan din naman, ang traffic enforcer ang gumagawa ng kalokohan. Ang iba kasi sa kanila ay nangongotong.

Pero kakaiba ang video na kasalukuyang kumakalat ngayon dahil mistula itong royal rumble sa pagitan ng bus driver at ng mga traffic enforcer. Makikita sa video na nagkagulo ang magkabilang panig. Napakatapang ng driver dahil pagkatapos nitong banatan ang isa ay binanatan naman ang isa.

Ang naturang video ay shinare ng Facebook user na si Zaint Rayaj Ocampo at habang isinusulat ito ay nakakuha na ito ng 2 million views, 31 thousand shares at 1.8 thousand likes. Hindi na nilinaw ni Zaint kung ano ang dahilan at bakit nagkasuntukan ang bus driver at mga taga-MMDA.


Tuwang-tuwa naman ang mga nakapanood ng video. Paano nga kasi ay napakatapang ng kalbong driver. Pero yari diumano ito dahil siguradong mawawalan siya ng lisensya sa pagmamaneho. 

Panoorin ang video:

Loading...