Loading...

Friday

Viral: Pekeng Bigas, Kumakalat sa Bansa?!


Pinag-uusapan ngayon ng mga netizen ang video na ipinost ng Facebook user na si Rafael Franco na diumano ay nakabili siya ng pekeng bigas galing Thailand na ang brand ay Harvest Season.

Sa video ni Franco, ipinakita niya kung bakit nasabi niyang peke ang nabili niyang bigas. Kumuha siya ng bagong saing na kanin sa kaldero at inilagay sa plato. Pagkatapos ay itinapat niya ito sa electric fan saka nilamutak at binilog. Makikita na hindi man lang dumidikit sa kanyang kamay ang kanin gaya nang orihinal na bigas na kapag nilamutak mo ay kakalat ito sa iyong kamay.

Pagkabilog sa kanin ay ibinagsak niya ito sa lupa at makikitang tumatalbog ito. Aniya, patunay na plastic nga ang kanyang nabiling bigas.

Bukod kay Franco, nakabili rin diumano ng pekeng bigas ang nagngangalang Amrehn Galang. Nagtataka siya kung bakit sumasakit ang tiyan ng kanyang nanay at nanghihina. Ayun pala ay nakakain ng pekeng bigas. Hinihiling nila na sana ay maimbistigahan ng gobyerno kung bakit may nakapasok na pekeng bigas sa bansa.


Para patunayan ang sinabi ni Galang, nag-post pa siya ng video kung saan ay nagsangag siya ng kanin. Makikita na ang bigas ay natutunaw at nagkadikit-dikit na hindi naman nangyayari totoong kanin kapag isinangag mo. 

Panoorin ang video na ipinost ni Rafael Franco:

Loading...