Loading...

Wednesday

Pulis na 'di Gumamit ng Dahas sa Attacker, Viral sa Internet

Larawan mula sa Newsner.com FB page
Hindi lahat ng pulis ay bayolante o utak-pulbura gaya ng dalawang pulis-Mandaluyong na pinalu-palo ng yantok ang kanilang nahuli. Ibahin natin ang isang dayuhang pulis na ngayon ay may viral video dahil sa kakaiba niyang paghawak sa isang attacker na may hawak na kutsilyo.

Makikita sa video na nakaupo lang ang police officer at kalmadong nakikipag-usap sa attacker. Maya-maya ay wala siyang kaabug-abog na lumapit sa attacker. Habang ang attacker naman ay ‘di nagdalawang-isip na iabot sa pulis ang kutsilyo at nagyakapan pa sila.


Maraming mga netizen ang naantig sa video. Hindi naman pala palaging ang dahas ay kailangang gantihan ng dahas. Minsan ay magkaroon ka rin ng simpatya sa dinaramdam ng iyong kapwa. Baka kasi napakatindi lang ng problema nito kaya siya nagwawala. Siyempre, kailangan ding mag-ingat lalo na’t armado ng kutsilyo ang kaharap mo. 

Panoorin ang video:
Loading...