Loading...

Saturday

Pagpapa-unlad sa Sariling Wika


Ang kabataan nga naman ngayon. Bakit nakakalimutan na natin ang ating sariling wika? Ang bilis talaga nating makalimot , kasing bilis ng panahon ng ating paglaki. Kaya heto ako at magbibigay ng ilang paalala para manatili sa atin ang pagpapahalaga sa ating wika:

Apat na paalala para mapaunlad ang ating Sariling Wika :

1. Gamitin nang wasto sa pang araw-araw na gawain at sa lahat ng pagkakataon.

2. Huwag gamitin ang sariling wika sa anumang makakapagpahiya sa ating bansa.

3. Ipagmalaki mo ang sarili nating wika, mas payabungin mo ang paggamit sa wika natin kaysa sa wika ng ibang lahi.

4. Sariling wika muna ang iyong dapat matutunan bago ang wika ng iba.


Mahalaga para sa akin ang ating wika , sana ay ganoon ka rin. Maraming salamat sa iyong panahon para basahin ito. Nawa'y matulungan mo ako upang mas lalong umunlad ang ating Wikang Pambansa.

-Shylyn Mae Gonzales
Loading...