Loading...

Saturday

Kalikasan, Kumusta na?


KALIKASAN! Kumusta ka na? Maayos ka pa ba o tila naghihirap na? Mga katanungan sa aking isipan kapag naririnig ko ang salitang ‘kalikasan’.

Ang kalikasan ay isa sa mga pinagkukunan at nagsusuplay sa atin ng ating pangunahing pangangailangan. Pero paano kung mapabayaan at maabuso ang paggamit dito, handa ka ba sa maaaring ganti nito?

Ang kalikasan ngayon ay unti-unti nang nawawala dahil sa sari-saring pang-aabuso na ginagawa ng mga tao. Nariyan ang pagpuputol ng puno, pagtatapon ng basura sa mga ilog at dagat, pagsusunog sa kabundukan at marami pang iba. Kaya bilang ganti ng Inang Kalikasan, ibat-ibang sakuna ang ating nalalasap na nagsisilbing parausa sa ating mga kasalanan.

Kaya bilang kabataan at bilang estudyante, dapat maging isa tayong modelo upang sumama at pasimulan ang ibat-ibang programag ikaaayos ng ating kalikasan. Piliin natin ang mas ikabubuti kaysa ikakasama ng ating kalikasan dahil sa oras na mawala at maubos ‘yan ay tayo ring mga tao ang kawawa.

-Jomar Arevalo
Loading...