Loading...

Wednesday

Viral: Sa gitna ng agam-agam sa Martial Law, mga taga-Mindanao nag-selfie sa harap ng tangke ng mga sundalo

Photo credit: Lousie Espadera

Dahil sa pagkubkob at panggugulo ng Maute Group at ng Bansangmoro Freedom Fighters (BFF) ay nagdelekra ng Martial Law sa buong Mindanao ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ito ay para mabilis na masugpo ang mga nasabing bandido. Bunsod nito ay umani ng iba’t ibang reaksyon ang naging desisyon ng pangulo. May mga naniniwala na paraan lang ito ng pangulo para maisakatuparan ang pagkakaroon ng batas-militar sa buong bansa. Samanatalang ang iba naman ay natatakot na muling maulit ang nangyari noon sa panahon ng dating Pangulong Ferdinand Marcos kung saan maraming nalabag na mga karapang-pantao.

Pero habang kabi-kabila ang debate online, kasabay naman nito ay nag-viral ang mga kuhang larawan ng Facebook user na si Lousie Espadera kung saan makikita ang ilang mga taga-Mindanao na nagpapa-picture pa sa harapan ng tangke kasama ang ilang sundalo. Tila ba nagpapahiwatig na suportado nila ang pagkakaroon ng Martial Law sa kanilang lugar. Mistula tuloy naging instant celebrity ang mga sundalong tumutugis ngayon sa mga bandidong grupo.


Photo credit: Lousie Espadera
   Bagama’t may mga tumututol sa pagdi-deklara ng Martial Law ng pangulo sa Mindanao ay mayroon din namang mga naniniwala na tama ang naging desisyon ng pangulo. Kinakailangan diumano ng kamay na bakal sa ganitong klase ng situwasyon. Lalo na’t ang mga bandedong grupo ay walang sinasanto. Iginiit din nila na ito naman ay naaayon sa batas na kapag may nagaganap na rebelyon ay maaaring isailalim sa Martial ang isang lugar o maging ang buong bansa.


Sa ngayon, sinasabi ng military na kontrolado na nila ang buong Marawi City at patuloy na inuusig ang mga bandidong grupo.
Loading...